Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 545 - Pagsaklolo

Chapter 545 - Pagsaklolo

Ang walong guild na nadawit sa mga akusasyong nakalagay sa pangunahing pahina ng Glory forums ay nandirito't nagtitipon sa isang partikular na parte ng Poison Fang Swamp.

Noong una ay limang guild lang ang nandirito para mag-abang, pero kalaunan ay inimbitahan nila ang natitirang tatlong guild. Ang Blue Brook Guild at Samsara na inapi ni Ye Xiu sa mga nagdaang araw ay hindi tumanggi't sila ay sumali. Syempre, sumama rin sa kanila ang Excellent Dynasty.

Binantayang maigi ng mga malalaking guild ang lugar na ito dahil isang masyadong pambihirang pangyayari para sa kanila ang makahanap ng pagkakataon na kung saan maari nilang mapatay ang isang mala-Diyos na manlalaro ng kahit isang beses man lamang.

Tama, kahit isang beses lamang ay ginusto ng walong malalaking guild na mapatay nila si Ye Xiu, para mailabas ang kanilang galit. Pero sinong nag-akala na hindi pala babalik si Ye Xiu sa laro sa loob ng dalawang araw? Naguluhan silang lubos dahil sa pangyayaring ito.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS