"Sige, bilisan na natin para hindi na kayo mag-alala pa." Tinapos na ni Ye Xiu ang napagkasunduan niya sa dalawang Guild Leader. Samantala ay kasalukuyang naglalakad na sila sa kailaliman ng Poison Fang Swamp. Sina Changing Spring at Three Worlds naman ay isinama ang kanilang grupo, at sinundan si Ye Xiu.
Hindi nagtagal ay narating na nila ang lugar na pinangyarihan ng labanan. Pinamumunuan ng Windward Formation ni Wei Chen ang isang grupo na binubuo ng sampu hanggang sa dalawampung manlalaro. Silang lahat ay kasalukuyang nasa kalagitnaan ng isang mahigpit na labanan.
Bilang mga beteranong manlalaro ay kaagad na nahinuna nina Changing Spring at Three Worlds na pinipigilan lamang ng grupo ni Wei Chen ang BOSS para mas humaba pa ang buhay nito hanggang sa matapos ang kasunduan nila sa isa't-isa.