Nagulantang si Jiang You sa mensaheng natanggap niya. Gusto pa sana niyang malaman kung ano ba talaga ang nangyayari, pero nabalot na ng galit ang puso ng ibang mga Guild Leader. Hindi lamang ang Tyrannical Ambition ang sunod na inatake ng mga nakalalasong langaw.
Lahat ng mga Guild na nandirito ay nagkagulo, malinaw na hindi madali para sa kanila na harapin ang biglaang pananambang ng mga nakalalasong langaw.
"Ito ba ang ibig mong sabihin sa tahimik na paraan?" Hindi na mapakali pa si Three Worlds nung malaman niya na inaatake na ng Blue Brook Guild ang BOSS. Hindi pa nga natatalo sa labanan dito sa Arena ang kaniyang guild, pero inatake na ng ibang guild ang BOSS na maaring mapasakanila.
Ang ibig bang sabihin nito ay parang magiging walang kwenta lang itong ginagawa nila? Dahil dito ay papaanong magiging kalmado pa sila?