Biglang napuno ng mga manlalaro ang mga lagusan sa Arena ng bawat malalaking siyudad sa Heavenly Domain. Pagkatapos malaman ng mga manlalaro kung ano ang mga nangyayari sa pagitan ng walong guild ay ipinagpaliban nila ang kanilang mga gawain para panuorin ang labanan.
Kada-linggo ay mayroong paligsahan sa pagitan ng mga propesyonal na manlalaro, pero tungkol sa Guild Leader ng bawat malalaking guild dito sa Heavenly Domain. Mga ilang tao lang siguro ang nakakakita sa tunay nalakas ng mga Guild Leader na ito.
Dahil diyan ay dumagsa silang lahat para manood. May ilan pa nga sa kanila ang sinamantala ang pagkakataong ito para makipagpustahan sa kanilang mga kasamahan.
Samu't-saring tao ang dumayo para manood at kaagad na napuno ng sandamakmak na manlalaro ang isang room na ginawa para sa paparating na labanan.