Ang operasyong ito ay personal na pamumunuan ng mga Guild Leader, kaya hindi na nila kailangang mag-abala pa na magbukas ng isang Group Chat para doon pag-usapan ang mga plano nilang gawin sa loob ng laro. Nagtipon-tipon ang lahat sa harapan ng isang bilog na lamesa't nakapagpasiya sila.
Kawawa nga lang sina Ye Xiu at Wei Chen. Ito'y dahil sa talagang hindi nila naririnig ang usapan ng mga Guild Leader, at kahit na hindi na sila nahiyang lumapit para marinig ang usapan ng mga Guild Leader ay namalayan nila na tumigil silang lahat sa pagsasalita''t paggalaw.
Malinaw sa inaasta ng mga Guild Leader na hindi pa nila kakalabanin ang BOSS dahil kasalukuyang kinakausap pa nila ang isa't-isa.
"Nakakabagot naman! Ano naman ba kasi ang pag-uusapan nila? Sa huli ay tratraydorin rin naman nila ang isa't-isa, napakawalang kwenta." Hindi nasisiyahang nagsalita si Wei Chen.
"Parang kinukutuban ako sa ginagawa nila, ah." Sabi ni Ye Xiu.
"Bakit?"