Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 529 - Ambag ng mga Espiya

Chapter 529 - Ambag ng mga Espiya

"Mga kasama, pagbutihin niyo at magsikap kayo. Darating rin ang araw na magkikita tayong lahat sa Heavenly Domain!" Pagkatapos ng isang araw na pagbisita ni Ye Xiu sa ika-sampung server ay hinimok niya ang mga kasamahan niya.

Napatawa ang mga manlalaro ng kaniyang guild. Walang kahit na sino sa kanila ang sineryoso ang sinabi niya. Tanging si Steamed Bun Invasion lang, na kakaiba naman talagang tao ang deretsahang sumagot ng: "Kalma ka lang, boss. Ako na ang bahala sa ika-sampung server!"

"Sige, mauuna na ako..."

Umalis na sa laro si Ye Xiu. Kahit na ang pagbabalik niya sa ika-sampung server ay saglit lang, halos nabaliktad naman ang buong mundo sa ginawa niya.

Isang simbolo ng guild ang pagkatatag ng kanilang Guild Storage. Kapag walang matinong Guild Storage ang isang guild ay hindi maaring seryosohin ng kahit na sino ang kahit na anong guild.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS