Matapos makita na talagang nabubuo na ang team, napuno ng pag-asa at pananabik si Chen Guo para sa kanilang kinabukasan. Dahil dito, ang ngiti niya'y halos hindi mawala sa kaniyang mga labi.
"Bat kanina ka pa nakangiti?" Nakita ni Tang Rou ang kakaibang inaasta ni Chen Guo. Wala siya kaninang umaga dahil nasa baba siya't nagtratrabaho.
"Habang tumatagal ay parang mas nagiging maganda na kasi ang takbo ng ating team." Sabi ni Chen Guo.
"Isipin mo nga, sapat na ang mga manlalaro natin para makabuo tayo ng kumpletong grupo na maaring sumali sa Alliance, at doon. Ang hangarin natin ay ang makamit ang kampeonato!" Nasasabik na sabi ni Chen Guo.
"Masyadong malayo pa tayo para doon!" Mapait na tumawa si Ye Xiu na naging dahilan kung bakit agarang napawi ang pananabik na nararamdaman ni Chen Guo: "Kilala mo naman siguro si Little Qiao, hindi ba?"