Masagana ang karanasan ni Wei Chen sa kahit na anong bagay tungkol sa laro, kaya alam niya na paparating ang atake ni One Inch Ash. Sa isang buntong hininga, dumeretso sa isang tabi si Windward Formation, naghahangad siya na mailagan niya ang atake habang tumatakbo siya.
Sa totoo lang ay kung ang naghahabol kay Wei Chen ay isang ordinaryong manlalaro lamang. Sapat na sana iyon para matakasan ang naghahabol sa kaniya. Pero si Qiao Yifan ay hindi maaring tawagin na isang ordinaryong manlalaro?
Kahit na mas mahina siya kaysa sa kaniyang mga kasamahan ay isa pa rin siyang propesyonal na manlalaro. Hindi maaring makumpara ang mga manlalarong gaya niya sa mga ordinaryong manlalaro.
Sinundan ng liwanag ng espada si Windward Formation at kitang-kita ni Wei Chen ang daang tinahak ng atake ni One Inch Ash. Sa kasamaang-palad ay walang nagawang kahit na ano si Wei Chen tungkol doon kundi ang ipagpatuloy lamang ang kaniyang pag-ilag.