Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 501 - Pagsasakripisyo Ng Sarili

Chapter 501 - Pagsasakripisyo Ng Sarili

Pagkakita sa biglaang pag-alis ni Ye Xiu, nakipagtinginan si Chen Guo kay Tang Rou ng saglit at saka tumayo.

"Paki-log out account niya." Sabi ni Chen Guo kay Tang Rou bago sundan si Ye Xiu palabas ng kwarto.

"Sige." Sagot ni Tang Rou habang pinanood ang dalawang magmadali sa pag-alis.

Lumabas si Chen Go sa kwarto at nahanap kaagad si Ye Xiu. Sa halip na pumunta sa kung saan, naninigarilyo lang si Ye Xiu habang nakaharap sa kabilang dulo ng kalye. Binagalan ni Chen Guo ang kanyang pag-galaw at maingat na iniisip kung ano ang kanyang sasabihin sa kanyang isipan ngunit kakalapit pa lang niya ay dinurog na ni Ye Xiu ng sigarilyo, na may karamihan pang natitira sa bintana.

Nagalit kaagad si Chen Guo dahil dito pero pinigilan niya ang sarili niya bago niya pa masambit ang ga balak niyang sabihin. Dahil ssa kalagayan ni Ye Xiu ngayon, naisip niyang pagbibigyan niya muna ito sa ngayon.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS