Nakatayo lang sa isang tabi si Chen Yehui at maingat na nanood kasama ang dalawa pa. Ngunit, kasama ang isang pro player na katulad ni Liu Hao, alam ng tatlo na wala silang kakayanan na ibigay ang kanilang opinion, kaya nanatili silang tahimik. Sa kabilang banda naman, nanood lang si Liu Hao hanggang kalahati, noong bigla niyang kinuha ang kanyang telepono at nagpadala ng mensahe. Habang ibinababa niya ang kanyang telepono, ni-rewind niya ang recording balik sa simula at nagsimulang magsuri
Nagtinginan naman si Chen Yehui at ang dalawa pa sa isa't isa pero hindi nagsalita ng kahit na ano. Hindi nagtagal, bumukas ang pintuan ng kwarto. Nilingon ng tatlo ang kanilang ulo at nakitang pumasok si He Ming at Wang Ze. Nakita nilang si Chen Yehui ang tumawag sa kanilaa at pinanood ng magkasama ang mga video.
"Panoorin moa ng laban na ito." Sabi ni Liu Hao sa dalawa na pumasok.
"Chasing Haze?" Tanong ni He Ming.