Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 429 - Makasalamuha ang Hamon

Chapter 429 - Makasalamuha ang Hamon

"Anong pinagpustahan natin nitong nakaraan?" Tanong ni Chen Gou.

"Napakatagal na. Hindi ko na matandaan." Nagdilim ang mukha ni Ma Chenyi. Sa isang tingin pa lang sa kanya masasabi na hindi siya gaanong sopistikadong tao. Lahat ng kanyang emosyon ay halata sa kanyang mukha. Dati mataas pa ang enerhiya niya, pero matapos tanungin ito ni Chen Gou, madaling nagdilim ang mukha niya. Halatang halata naman na hindi niya pa ito nakakalimutan. Hindi lang niya gustong isipin pang muli ang tungkol rito.

Nitong huli, natalo siya ng matindi. Sigurado ang mga manonood dito.

"Hindi ito maganda kung katulad noong nakaraan hindi ba? Nga naman ipinagdiriwang ap rin narin ang Spring Festival. Bakit hindi ito? 24 Heavenly Domain Account cards. Isa sa bawat class. Ano?" Sabi ni Chen Gou.

"Anong gagawin mo sa napakaraming account cards?" Naintriga naman si Ma Chenyi.

"Bakit? Hindi pa nga tayo naglalaban, dinedeklara mo na agad ang pagkatalo mo?" Napangisi si Chen Gou.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS