Matapos mawala ng kanyang pagdududa, nagintay si Chen Gou kay Ye Xiu para sa sagot ni Loulan Slash. Tahimik si Loulan Slash mula noong matapos magsalita ni Ye Xiu ng wala senyales ng paggalaw. Parehas din sa apat pang iba sa likuran niya. Ang kanilang limang character ay nakisama sa paligid. Tanging ang kanilang mga damit lang ang gumagalaw sabay sa hangin.
Sa mga ganitong klase ng sandal, halata namang mas walang pasensya si Chen Gou kaysa kay Ye Xiu. Hindi siya mapalagay sa pagiintay ng walang nakikitang kahit na anong sagot. Gusto na niya talagang magpaputok ng ilan sa kanila at makita kung mananatili pa silang tahimik. Matapos ng nakakakabang pagiintay ng ilang sandal, sa wakas nagsimula ng magsalita si Loulan Slash: "Kailangan ko pa ng ilang oras para pagisipan ito."
"Jusko. Ano pa lang ginagawa mo kanina?" Tanong ni Chen Gou.
"Nakarating kami sa konklusyon na kailangan pa natin ng oras para konsiderahin ito." Sabi ni Loulan Slash.