Sa katotohanan, wala gaanong karanasan sa pakikipagusap sa fans si Ye Xiu. Ang katunayan na idolo siya ng maraming taon noong nakatago siya nitong lahat ng oras na ito ay talaga namang kahimahimala. Ang ganitong klase ng player ay tanging makikita lang sa eSports. Kinakaharap ang nasasabik na fan, ipinakita ni Ye Xiu ang kanyang karaniwang pagkakalmado at hindi mukhang nawawalan ng sasabihin. Umakto siya na para bang normal na tao ang kanyang fan at sinabi ang simpleng 'Hi'.
"Masugid mo akong tagahanga! Kailangan mo talagang bumalik sa pro scene!" Sabi ni Forest Landscape.
"Syempre." Sagot ni Ye Xiu.
Hindi na nagsalita ng kahit na ano si Forest Landscape matapos. Kahit na kaharap niya ang idolo na kanyang hinahangaan, maliban sa pagpapahayag ng kanyang malugod na suporta, wala na siyang maisip na kahit na anong sabihin.