"Walang hiya!" Dinakma ni Ye Qiu ang kuwelyo ng jacket ni Ye Xiu. Sa huli, wala pa rin siyang nakuhang kahit na ano dito at maaari lamang na ngitngitin ang kanyang ngipin sa galit. Bigla na lang naawa si Chen Gou sa kanyang pagkamuhi, wala naman siyang magawa dahil madalas rin siyang nilalagay sa ganitong sitwasyon ni Ye Xiu.
"Mukhang hindi ka naturuan ng maayos." Parehas pa rin ang ekspresyon ni Ye Xiu.
"Bumalik ka sa bahay kasama ko!" Nginingitngit ni Ye Qiu ang kanyang ngipin.
"Ayoko nga." Sagot ni Ye Xiu.
Malalim at puno ng kaalaman ang mga titig ni Ye Qi una para bang gagawa siya ng napakalakas ng galaw. Patuloy na nanood si Chen Gou, iniintay itong mangyari. Ngunit, nanigas ng sitwasyon at tumigil sa paglalaro…