Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 395 - Isang Peligrosong Labanan

Chapter 395 - Isang Peligrosong Labanan

Sa isang labanan sa pagitan ng mga propesyonal na manlalaro, hindi mo makikita ang tunay na ganda ng ganitong klase ng labanan kapag ang titingnan mo lamang ay ang kanilang husay sa paglalaro't bilis ng kanilang mga kamay.

Sa labanang ito na nangyari sa pagitan nina Huang Shaotian at Wang Jiexi, parang sinasabi na ng mga commentator na matatalo sa labanang ito si Wang Jiexi.

Hinati ng Rising Dragon Slash ang hangin habang papunta ito kay Wang Jiexi. Inakala ni Huang Shaotian na hindi makakagalaw si Wang Jiexi dahil sa gulat, at hindi niya inaasahan na gagalaw pa rin pala siya sa mga sandaling ito.

Tumalon mula sa kaniyang Broom si Vaccaria at binago ang kaniyang direksyon sa pagtakas. Hindi na siya lumipad pa para makatakas, kundi dalawang beses niyang pinayugyog ang kaniyang Broom na naglikha ng bugso ng hangin na bahagyang nagtulak kay Vaccaria sa isang tabi.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS