Sa labas ng Sin City Dungeon, padami ng padami ang players na nagtitipon. Maroon at mayroon na maraming players sa labas ng dungeon kaya walang nakapansin sa pagkakaiba. Nakatayo lang sa bungad ang mga ekstrang character. Ang kanilang paningin ay nakatuon sa bungad ng dungeon, na para bang papasok sila sa kahit na anong oras. Ngunit para doon sa mga pumapansin sa kanila at madidiskubre na matagal ng nakatayo, mga 20 minutos, ang mga characters ng hindi pumapasok.
Patuloy na lumipas ang oras. Ang mga players na walang team ay abala sa kanilang pagoorganisa sa wild parties, at nagsimulang mapansin ang kakaibang mga tao na ito. Mukha silang nasa party at wala ni isa ang sigurado kung may sapat silang players. Ang iba ay nagpadala sa kanila ng requests pero mukhang hindi manlang nila ito tinignan at iniwan na lang sila. Lahat ng kanilang enerhiya ay nakapokus sa bungad ng dungeon na iyan.