"Lamang sila sa bilang. Anong gagawin ko kung maghati sila at patuloy na sumugod?" Tanong ni Tang Rou.
"Ito lang ang isang paraan para makakuha ng madaming oras. Matapos matanggal ang Cleric, ayos ka na, hindi ba?" Sabi ni Ye Xiu.
"Nakuha ko." Biglang naintindihan ni Tang Rou. Sa oras na ito, hindi tumigil ang kanyang kamay. Walang tigil sa pagtambling ang Cleric. Kahit na magtagumpay siya sa paggamit ng Quick Recover, madali pa ring makakahabol ang Soft Mist ni Tang Rou para paliparin siya ulit sa ere. Lahat ng atake na ginamit niya ay para itulak siya sa malayo layo sa bilog sa paligid ng maliit na isla. Mukhang malapit lang siya sa pagtalon sa lawa, pero hidni siya makagawa ng uportunidad para gawin ito.