Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 375 - Isusuko ang Teritoryo o Babayaran ang Danyos?

Chapter 375 - Isusuko ang Teritoryo o Babayaran ang Danyos?

Kahit na mayroong kasiguraduhan ang solusyong ibinigay ni Jiang You. Wala pa rin silang nahahanap na paraan kung papaano nila pipigilan ang ginagawa ni Ye Qiu sa kanilang mga kasamahan sa Thousand Waves Lake.

Maari namang umaksyon sila kapag may nangyari sa hinaharap, hindi ba? Kahit ano pa ang sabihin ay kadalasan naman talagang nangyayari ang mga bangayan sa pagitan ng mga guild. Dahil dito ay naiintindihan naman ng lahat ang isa't-isa.

Si Blue River ay tahimik lang na pinanood ang lahat, pero hindi niya inakala na matatamaan pa rin siya kahit na siya'y nakadapa na. Napasiyahan nilang lahat na italaga si Blue River bilang kanilang kinatawan sa kanilang negosasyon sa pagitan ni Ye Qiu at ng mga malalaking guild.

"Dahil matagal-tagal naman kayong nagsama noon ay ikaw ang lubusang nakakaintindi sa kaniya, kaya ikaw ang dapat na maging kinatawan naming lahat!" Ang mga katagang binitawan ni Blue River kanina ay ginamit laban sa kaniya ng mga Guild Leader.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS