"Pasukin ang Heavenly Domain Challenge habang Level 50 pa..."
Kapag ginawa ito ng isang ordinaryong manlalaro. Malamang ay aatakihin ang bawat Guild Leader at mamamatay sila ng maaga. Pero dahil alam nila na si Ye Qiu, isang mala-Diyos na manlalaro ang gagawa ng bagay na iyon ay hindi na sila nagtaka pa at nagulat.
At saka, hindi rin naman iyon ang unang beses na nangyari ang bagay na iyon.
Noong nagsimula pa lamang ang Heavenly Domain Challenge ay hindi pa naman ito masyadong mahirap at maari pa itong matapos ng isang manlalaro na nasa Level 50 pa lamang. Pero habang tumatagal ay mas lalong nagiging mahirap ang Heavenly Domain Challenge.
Ngayon ay ang pinakamainam na level bago pasukin ang Heavenly Domain Challenge ay nasa Level 70, at iyan ang dahilan kung bakit imposible para sa mga ordinaryong manlalaro ang tapusin ang Heavenly Domain Challenge kapag sila ay nasa Level 50 pa lamang.