Lubos na nahiya ang Guild Leader ng Misty Castle na si Misty Lock sa nangyaring pagkaubos ng kaniyang mga kasamahan, hindi maaring magalit siya, kaya kalmado siyang nagsalita.
"Ano ba ang nangyari?"
Naguluhan si Hazy Mist sa tanong na ito. Matapos ang ilang mga sandali ay dahil sa wala siyang nahanap na paraan kung ano ang dapat niyang isagot ay iyong nalalaman ng lahat na lamang ang kaniyang isinagot.
"Pinatay silang lahat ng mga manlalaro ng Happy doon sa Thousand Waves Lake."
"Alam na namin 'yan." Nagpatuloy sa pagsasalita si Misty Lock. "Pero hindi ba't binalaan na natin ang lahat? Bakit hindi pa rin sila nag-ingat?"
"Nag-ingat naman daw sila, pero hindi nila inakala na makakalapit ang mga kalaban nang hindi nila namamalayan." Tinanong rin ni Hazy Mist ang mga manlalarong namatay kung ano ba talaga ang nangyar, kaya ang isinagot ni Hazy Mist ay ang isinagot ng mga manlalarong iyon.