Ang Grenade ay isang Spitfire skill na kahit na malawak ang nasasakop nito'y mababa naman ang pinsalang nailalapat nito. Gayumpaman, epektibo pa rin ito para maglampaso ng maraming halimaw sa isang malawak na lugar dahil sobrang mababa ang cooldown nito.
Ang pagsabog na binuo ng Grenade ay mas lalong nakikita ng malinaw sa ilalim ng tubig.
Sa tubig ang mga karakter ay itinutulak at nagpapagewang-gewang sa kahit saang direksyon, at ang mga alon sa ibabaw ng tubig ay pinapabaliktad at pinapagulong-gulong ang mga manlalaro na nasa ilalim ng tubig at ang mga manlalarong maabot na sana ang ibabaw.
Matapos nito ay may nakita na naman silang isang bagay na paulit-ulit pumapasok sa loob ng tubig, at isang biglang pagkurap ng malamig at dalisay na liwanag.
Gumamit ng Quick Recover si Ye Xiu sa mga sandaling tumama siya sa tubig, at sa mga sandaling pumailalim siya ay kaagad niyang binunot ang kaniyang espada kasabay ang isang Sword Draw.