Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 367 - Ang Mga Alon

Chapter 367 - Ang Mga Alon

Ano ang nangyayari?!

Silang lahat ay nasa iisang lugar lang na naging dahilan kung bakit nakatipid sila ng oras. Hindi na nila kailangan pang magpadala ng mensahe sa isa't-isa dahil magkalapit lang naman silang lahat. Maari naman nilang isigaw ang kung ano ang gusto nilang sabihin.

Dahil dito ay sa mga sandaling lumipad silang lahat sa ere ay napuno ng ingay ang buong paligid na para bang silang lahat ay nasa loob ng isang kumukulong kaldero.

Pero kahit na gaano pa man kalakas ang sigawang bumalot sa kapaligiran ay hindi nito maaring maitago ang sunod-sunod na putok ng baril na sumunod.

"Ta, ta, ta, ta, ta..." Sa kalagitnaan ng mga sigawan ay maririnig mo rin ang tunog ng alon na nahahawi habang bumabaon ang bala sa katawan ng mga alon. Ang mga balang ito ay tumagos sa mga alon at dumeretso sa mga manlalarong nasa ere.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS