Kadalasang tinatamad na magsalita si Changing Spring, pero ang bawat katagang binibitawan niya ay hindi na kailangang ipaliwanag pa.
Bakit niya sinabi na si Thousand Creations ang dapat nilang unahin? Malamang ay hindi maiintindihan ng ibang mga Guild Leader ang dahilan niya, pero malinaw na naiintindihan ito ni Blue River.
Kakaiba at mabilis na nagbabago ang ugali ni Thousand Creations. Talagang wala naman siyang kahit na sinong kaibigan sa guild.
Sa labas ng guild, ang tanging dahilan kung bakit wala pang nakakakilala sa kaniya kahit na mahal na mahal niya ang magnakaw ay lubhang bago pa lamang ang ika-sampung server at halos lahat ng mga manlalaro dito ay mga baguhan.
Pero ang husay at galing ni Thousand Creations ay hindi maitatanggi. Iyan ang dahilan kung bakit naglaan ng oras at pera si Changing Spring para mahatak siya sa kaniyang guild.