Pero dahil sa wala silang matibay na ebidensya tungkol sa pagkakakilanlan ng dalawang manlalarong ito ay tumahimik na lamang ang mga beteranong manlalaro na kasalukuyang nagpapanggap na mga espiya.
Silang lahat ay mayroon pa ring pag-asa sa kanilang puso. Kasi kahit ano pa ang sabihin ay hindi rin madaling pairalin ang ganitong klase ng paglalaro sa isang mahabang panahon.
Isang pagkakamali lamang ang kinakailangan nila para matupad ang kanilang mga hangarin, at mawasak ang lahat nilang ginawa sa mga nagdaang oras.
At ang isang pagkakamaling kagaya ng mawala sa MT ang aggro ng halimaw ay isa sa mga kadalasang nagiging pangunahing dahilan kung bakit nauubos ang mga manlalaro ng isang grupo na nasa dungeon.
Kung iyan nga ay mangyayari ay mas mabuti na lamang na nagkunwari silang mga baguhan at mang-mang, kaysa sa ginamit nila ang buo nilang lakas at nangyari ang pagkakamaling iyon.