Ang pagtungtong sa Level 1 hanggang Level 2 ay ang pinakamadali. Matapos ang kalahati ng guild quests sa unang wave na makumpleto, narating na ng Guild Happy ang Level 2. Basta't magpapadala ng request for an invite ang plater, palaging mananatili sa request list ang player, Malian na lang kung biglang sumali sa ibang guild ang player, na otumatiko naman mawawala sa request list. Noong maging Level 2 ang Guild, binuksan ni Ye Xiu ang request List at tumanggap ng panibanggong batch ng miyembro. Sa isang iglap lang, halos maging 200 player guild ang Guild Happy.
Sa pangalawang wave ng player ay umakto halos parehas sa unang wave. Matapos ipaliwanang ng guild leader ang pangunahing impormasyon tungkol sa guilds, masigla naman silang tumakbo para simulang gawin ang mga quest.
Level-up, mag-dagdag…