Hindi magaling si Chen Gou sa pagkontrol ng kanyang emosyon. Kapag gusto niyang tumawa, tatawa siya. Kapag gusto niyang magalit, magagalit siya. Kapag gusto niyang umiyak, na napakahirap. Hindi niya pinipigilan ang kanyang luha. Noong iniisip niya ang nakaraan ni Ye Xiu at napagtanto ang walang kalakasan ni Ye Xiu, umasim naman ang ilong ni Chen Gou at alam niya na malapit ng tumulo ang kanyang luha.
"Matutulog na ako." Tumayo si Chen Gou, ipinadyak niya ang kanyang paa at nagmadaling umalis.
Bahagya namang nagulat si Ye Xiu. Mula sa pagkakaintindi niya sa kanya, inakala niya na magsisimula itong magsagawa ng pagsusri at interogasyon, palalim ng palalim. Pero sino ba naman ang magaakala na tatakbo palaalis ang boss ng ganoon. Napakamot-ulo si Ye Xiu at tumingin tungo kay Tang Rou. Ngumiti naman si Tang Rou at tumayo: "Tingin ko babalik na ako't magpapahinga na rin."