Kapagod…
Madali itong naramdaman ni Tang Rou. Matapos ang hindi paaabot sa isang minute ng matinding paglalaro, ang kanyang mga daliri ay nagsimulang makaramdam ng pagod. Ang kanyang kagalanggalangan, ang kanyang siko at ang kanyang braso, umiral naman ang pagod. Hangang saan ang itatagal niya? Hindi alam ni Tang Rou at ayaw niyang isipin ang tungkol dito. Ang kanyang buong konsentrasyon ay nakapokus lang sa kanyang kalaban. Habang gumagawa siya ng matitinding atake, sinusubukan niya rin na panatilihin ang pageksakto. Umaasa siya na karamihan sa kanyang mga atake ay tatami sa kanyang kalaban.
Isang minuto…
Dalawang minuto…
Tatlong minuto…
Nagsimulang magbago ang mga ekspreyon sa mukha ng mga pros. Natuklasan nila na hindi ang hand speed ng babaeng ito ang nakakatakot sa kanya, kung hindi ang kanyang pagpupursige.