"He he!" Nagbigay ng mapanlinlang na ngiti si Tang Rou. "Patuloy siya sa panghuhula. Pero hindi ba't halata na kung sino ka?"
"Oh?"
"Si Ye Xiu ay si Ye Qiu hindi ba? Tama ba ako?" Tanong ni Tang Rou.
"Tama!"Nagulat naman si Tang Rou sa kalmadong sagot ni Ye Xiu. Akala niya nakita na niya ang totoong pagkakakilanlan nito, ngunit mukhang wala siyang gaanong reaksyon tungo dito. Sa pagbibigay ng kung anong dahilan o sabihin sa kanyang itago ito, hindi niya inasahan na parang wala lang ang kanyang magiging sagot. Kung wala talaga siyang pakealam, bakit hahantong pa siya sa pagpapalit ng pangalan para itago ang kanyang pagkakakilanlan? Hindi manintindihan ni Tang Rou. Tinignan niya si Ye Xiu, umaasang maririnig ang dahilan. Pero ibinalik ni Ye Xiu ang mapanlinlang na ngiti: "Gusto mong malaman kung bakit dalawang pangalan? Sa kasamaang palad, hindi ko pwedeng sabihin sayo iyan."