Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 318 - Ang Makaharap ang Iniidolo

Chapter 318 - Ang Makaharap ang Iniidolo

Hindi naman siguro niya paakyatin ako, no? Ngayong nandito na sa puntong ito ang lahat ay hindi mapigilang makaramdam ng hindi kasiguraduhan si Ye Xiu. Pero nung tiningnan niya ang entablado ay kasalukuyang nagdadalawang-isip si Su Mucheng sa kaniyang sagot.

"19 o 23?" Napabulong sa sarili si Su Mucheng.

Ang mga manonood na sa paligid nila ay kasalukuyang tinititigan silang tatlo. Ang kanilang mga mata'y kumikislap sa ilaw ng inggit at panghihinayang. Hindi na importante pa kung ano ang isasagot niya, ang importante ay makakaakyat ang isa sa kanila sa entablado.

"Ngayon, isa lamang ang maari nating mapili sa dalawang ito. Ano sa tingin mo kung maghagis tayo ng barya sa hangin at doon tayo magpasiya sa kung sino ang pipiliin mo?" Nagpanukala ang namumuno sa seremonya.

"Hindi na kailangan, nakapagpasiya na ako." Sumagot naman si Su Mucheng.

"Oh? Sino naman ang napili mo?" Nagtanong ang namumuno sa seremonya.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS