Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 315 - Ang Pangalawang Araw ng Event

Chapter 315 - Ang Pangalawang Araw ng Event

"Nasisiyahan ka ba habang naglalaro ng Glory?" Seryosong nagtanong si Chen Guo.

"Hindi na masama." Sumagot si Tang Rou.

"Sa tingin mo ba'y mas masisiyahan ka kapag mas humahaba ang panahong iginugugol mo sa paglalaro?" Nagtanong si Chen Guo.

"Oo, iyan nga ang nararamdaman ko."

Napangiti si Chen Guo, dahil mayroon pa namang interes si Tang Rou sa paglalaro ay hindi iyon problema para sa kaniya!

Matapos linisin ang lahat sa kwarto ay nagsama-sama ang tatlo para mag agahan. Sa front desk ay kumuha ng libreng City S Tour Guide Brochure si Chen Guo at sinabing: "Tingnan niyo kung may maganda bang gawin diyan habang narito pa tayo."

Sinulyapan ng dalawa ang isa't-isa, pero namalayan ni Chen Guo kung ano ang ipinapahiwatig nila sa isa't-isa. Dahil doon ay dinagdagan niya ang kaniyang sinabi: "Wag kayong mangahas na magkulong sa kwarto niyo't maglaro lang ng laro. Nandito tayo para magbakasyon."

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS