Sa mga sandaling natapos na ang huling labanan ay para bang walang gana ang mga hiyawan at pagpapalakpak ng mga manonood.
Malinaw na hindi sila nakaramdam ng tunay na pananabik sa nakita nilang labanan, at tanging pumapalakpak lamang sila para magbigay ng respeto.
Mabuti na lamang ay hindi ito ininda ng pangunahing manlalaro ng Samsara na si Zhou Zekai, matapos iwinagayway ang kaniyang mga kamay sa mga manonood ay nagpasalamat siya bago bumaba mula sa entablado.
Sa simula pa lamang ng palabas ay siya dapat ang pinakakumikinang na bituin sa alapaap.
Kahit na naging pambihira ang Rookie Challenge sa taon na ito kaysa sa mga nagdaang Rookie Challenge ay hindi naman nabigyan ng pansin ang mga propesyonal na manlalaro't beterano na dapat na bigyang pansin kaysa sa mga baguhang manlalaro.
Sa pagtatapos ng Rookie Challenge, ay tapos na ang unang araw ng All-Star Weekend.