Sampung minuto, para isang duelo ay mahaba-haba na rin nag oras na ito.
Nung kakasimula pa lamang ng Glory Alliance ay mayroong limitasyon sa oras ang bawat labanan. Sa isang harap-harapang labanan ay limang-minuto lamang ang dapat na itatagal ng isang labanang harap-harapan.
Kung wala pang nanalo sa loob ng limang minuto na iyon ay awtomatikong mananalo ang kung sino man ang may mas mataas na Health sa mga kalahok ang mananalo.
Sa totoo lang ay ginawa ang patakarang iyon para mapabilis ang proseso ng isang labanan.
Pero dahil sa ang karamihan sa mga manlalaro ng mga panahon na iyon ay gumamit ng mga taktika na kung saan iniiilagan na lamang nila ang kanilang mga kalaban pag mas mataas ang Health nila kaysa sa kanilang kalaban. Nagtawag ng isang pagpupulong ang Alliance.
Sa pagpupulong na iyon ay napasiyahan nilang tanggalin na lamang ang limitasyon sa oras sa isang pagtatagisan, duelo o labanang harap-harapan.