Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 309 - Hahalili ang Bata sa Matatanda

Chapter 309 - Hahalili ang Bata sa Matatanda

Pinanood ni Qiao Yifan ang labanan habang siya ay naglalakad papunta sa mga upuan ng Team Tiny Herb. Sa pagdating niya ay bukod kay Gao Yingjie na napasigaw sa gulat ay sinulyapan lamang siya ng iba pa niyang mga kasamahan.

Kung ang kasalukuyang Qiao Yifan ay ang Qiao Yifan nung nakaraan ay paniguradong makaramdam siya ng kahihiyan. Pero matapos marinig ang mga pangaral ng kaniyang iniidolong si Ye Qiu ay hindi na niya ito ininda pa.

Hangga't sa alam niya sa sarili niyang sapat ang kaniyang lakas ay hindi na importante pa kung ano ang sabihin ng ibang mga taong nasa paligid niya.

"Pasensya na, pumunta lang ako sa kubeta." Ngumiti si Qiao Yifan kay Gao Yingjie, habang tahimik na umupo sa tabi niya na kung saan siya nakaupo nung una.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS