Hindi naman masyadong madilim ang daanan papunta sa entablado. May mga ilaw pa ring nakikita sa paligid. Tahimik na lumakad sa labas si Qiao Yifan, pero matapos ng ilang hakbang lamang ay natuklasan niya na nawawala siya.
Hindi alam ni Qiao Yifan kung iiyak ba siya o tatawa, talagang wala siyang nalalamang kahit na ano tungkol sa mga entablado! Kung siya lang mag-isa ay nahirapan siyang hanapin kung saan ang labasan.
Dahil sa lubusan niyang pagkatalo kanina ay alam niyang maaring matapos na ang kaniyang papel sa paglalaro bilang isang propesyonal na manlalaro. Hindi mapigilan ni Qiao Yifan na maiyak, at napuno ng pighati at sakit ang kaniyang damdamin.
Pero dahil sa pighating nararamdaman niya ay umiral naman ang tigas ng kaniyang ulo, hindi siya naniwala na hindi sapat ang kaniyang abilidad para mahanap ang lagusan papalabas. Pinahiran niya ang kaniyang mga luha.