Nasasabik na ang manonood sa pagsisimula. Ang mga fireworks na nagaganap sa labas, ang mga puna ng komentarista, at ang highlight reel ng nagdaang taon ay nag-iwan nang bahagyang kakulangan. Umaasa parin ang mga manonood na magpapatuloy pa ito. Kahit pa maulit muli ang panimula, nararamdaman parin nila na mas higit itong kapana-panabik kaysa sa kasalukuyang programa.
Kahanga-hanga! Napakaganda!
Ito ang naging impresyon ng mga manonood sa pagsisimula. Pero sa propesyonal na gaya ni Ye Xiu, hindi lang ganoon ang magandang panimula.
Nais niyang malaman kung ang mga kilos ba ng mga karakter ay pawang planado bago pa man o di kaya kontralado sila sa bawat eksena.
Kung ganun, kung ito ay ang huli, masasabing ang panimulang ito ay ang tanda ng new era. Gamit ang makabagong teknolohiya upang ipakita ang mga labanan ng Glory, kung katotohanan lang ang ganitong konsepto, marahil, makakakita ang mga manonood ng mga projection ng mapa, gayundin ang mga karakter.