Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 5 - Pagtutugma ng Skill

Chapter 5 - Pagtutugma ng Skill

Malubak ang daan para makatanggap ng mga quests. Mayroong mabigat na trapiko sa pagbubukas ng bagong server.

Sa kasaysayan ng Glory, nang magbukas ang ikalawang server, sumobra ang dami mga paparating na manlalaro sa limitasyon ng manlalarong kayang matanggap ng beginning village.

Dahil dito ay nagkaroon ng isang problema na kung saan ang lahat ng mga manlalarong hindi pa nakakapasok ay hindi nakapasok, at ang mga manlalarong nakapasok naman ay hindi makagalaw dahil sa bigat ng trapiko sa paligid.

Gayunpaman, kahit na mainam ang naging preparasyon para sa pagbubukas ng ika-sampung server, at naihati ng mainam ang dami ng mga manlalaro sa bawat beginning village. Napuno pa rin ng mga manlalaro ang paligid.

Sa ganitong sitwasyon, kahit na ang mga eksperto ay walang magawa para lusutan ang mga manlalarong nasa paligid nila.

Sa kabilang dako naman ay tuwang-tuwa si Chen Guo. Tiningnan niya si Ye Xiu at inalala ang kaniyang username na: Lord Grim.

Sa kalagitnaan ng walang tigil na pagsisigaw ng mga manlalaro ay dahan-dahang napawi ang kasalukuyan nilang sitwasyon. Papaano nila naresolba ang problemang iyon?

Gumawa sila ng isang maliit na daanan na kung saan nakakadaan ang mga manlalarong nakatanggap na ng kanilang mga quest.

Kinontrol ni Ye Xiu ang kanyang Lord Grim upang kumuha ng ilang mga quest at nagsimulang tapusin ang mga ito nang isa-isa.

"Tapos na rin sa wakas, level 7 na ako."

Matapos tapusin ang huling quest. Tumaas ulit ang level niya. Tumalikod siya para sabihin ang mga katagang ito kay Chen Guo, ngunit natagpuan niyang nakatulog na si Boss Chen. Pero kahit na siya ay natutulog ay nakaharap pa rin ang mukha niya sa screen!

Kinakailangan pa rin ba niyang subukan ang kakayahan ko na magtrabaho nang buong gabi? Binalot niya ang katawan ni Chen Guo gamit ang kaniyang balabal bago bumalik sa paglalaro.

Habang tumitingin sa panel, pagkatapos makumpleto ang first wave ng mga quest, mayroon ng 340 skill points si Lord Grim.

Sa Glory, ang pag-aral at ang pag-upgrade ng mga skill ay kinakailangan ng skill points. Ang iba't-ibang mga skill ay nangangailangan ng 10 hanggang 50 na puntos. Sa kasalukuyan, kung ang isang max level, na level 70, na karakter ay nakatapos ng lahat na kailangang mga quest, maari itong magkaroon hanggang 4000 skill points. Pero hindi ito ang limitasyon. Ang limitasyon ng skill point ay 5000 ngunit ang natitirang 1000 skill points ay kinakailangan ng lakas at swerte para makuha.

Sa sampung taon ng Glory, wala ni-isang account ang mayroong 5000 skill points. Kahit na ang sikat na Battle God One Autumn Leaf peak account ay 4840 puntos lang ang naabot, at may 160 points pang natitira. Ang 160 na puntos ay hindi masyadong marami pero hindi din ito kaunti. Kung gagamitin ng isang manlalaro ang lahat ng puntos na iyon sa isang 50 na puntos na ultimate skill, maari siyang makapag-aral ng tatlo nito o makapag-upgrade ng ultimate ng tatlong beses. Para sa isang peak-level expert, isa itong napakalaking kalamangan.

Kaya kapag tumatanggap ng ganitong mga beginner quests, maaaring hindi pansinin ang mga quest na nagbibigay ng Experience at mga kagamitan pero kailangan ang nagbibigay ng skill points.

Ang strength ay nakakaapekto sa physical attack, defense, at pinataas na maximum inventory weight.

Ang intelligence ay nakakaapekto naman sa mga magic attack, defense, at MP.

Ang vitality ay natural na naapektuhan ang HP pati na ang stamina.

Naaapektuhan ng spirit ang resistance at ang tagal ng mga status effects.

Natural na lumalaki ang apat na main attributes habang tumataas ang level ng karakter. Pagkatapos lang ng level 20, kapag nagsimula nang magbago ng class ang mga manlalaro, saka lang magbabago ang growth rate change. At ang mga quest na nagbibigay ng attribute point, pataas ang mga ito. Ang strength ay strength. Ang intelligence ay intelligence. Para sa mga class na nag-specialize sa strength, maaari nilang piliin na gawin lang ang mga strength quest, pero pwede rin kunin ang mga quest na nagbibigay ng intelligence.

Samakatuwid, pagkatapos magpalakas bilang isang specialized class, na may max level account na natapos ang lahat ng mga quest, ang apat na main attribute ay pantay-pantay. Kaya dapat tapusin ang lahat ng mga quest na ito. Pagkatapos, maaring gumamit ng mga kagamitan para tumaas ang kailangang attribute.

Bilang resulta, hindi pwedeng balewalain ang mga attribute points. Pagkatapos tumingin sa panel, hinayaan niyang pag-aralan ni Lord Grim ang lahat ng mga skill.

Sa Glory, maaaring magpalit ng class ang mga manlalaro pagdating ng level 20. Bago 'yun, walang class at maaaring pag-aralan ang kahit anong skill sa kahit anong propesyon hangga't mayroong sapat na skill points. Ito ay para din sa ginhawa ng mga manlalaro. Pagkatapos umabot sa level 20 at magbago ng class, maibabalik ang lahat ng puntos na nagamit na dati. Ngunit pagkatapos magpalit ng class, ang mga manlalaro ay maaari lang makapag-aral ng mga skill na galing sa kanyang class lamang. Hindi siya maaaring maging isang jack of all trades.

Kahit na nakalimutan na ni Ye Xiu ang mga dapat na gawing mga quest at kung paano talunin ang ilang instance dungeons, hindi kailanman mawawala ang kanyang angking galing. Napakabalanseng laro ang Glory. mayroon din gamit ang mga mahinang skill. Ang bawat tao ay maaaring bumuo ng kanilang sariling skill set ayos sa kagustuhan nila. Bagama't bilang lang ang bilang ng skill points. Sa karaniwang sitwasyon, hindi sapat ang 4000 skill points para isagad ang level ng lahat ng mga skill.

Sa pagpili ng mga skill, natural na mayroong sariling set si Ye Xiu. Kahit na ang class ng kanyang One Autumn Leaf ay isang Battle Mage, siya mismo ay minsan nang itinuring na isang libro. Paanong isang class lang ang kaya niyang laruin? Sa huli, tanging ang mga tao lang na sanay sa lahat ng class ang kwalipikado.

Pumunta si Ye Xiu sa beginner skill tree at pinag-aralan ang dalawang level 5 beginner skills: Swift Run, at Roll nang hindi pinag-iisipan.

Ang beginner skill tree ay maaring pagkunan ng skill ng lahat ng class. Ang dalawang skill na natutunan ni Ye Xiu ay napaka-convenient. Ang sampung skill points na ito ay hahayaan na gumalaw ang karakter sa dalawang magkaibang direksyon.

Ang swift run ay nagpapabilis ng pagtakbo. Ang skill ay walang cooldown ngunit gumagamit ito ng stamina. Pagkatapos maubos ng stamina, babalik ang karakter sa normal na bilis ng paglakad. Upang maka-recover ng stamina, ang manlalaro ay kailangan maglakad o tumayo lang sa isang lugar. Magrerecover ito ng matagal kapag naglalakad, habang mas mabilis ito ng kaunti kung tatayo lang.

Paggulong, katulad ng sinasabi ng pangalan, hinahayaan nito na gumulong ang karakter. Gumulong paharap, gumulong patalikod, gumulong pakaliwa, gumulong pakanan, gumulong pai-slant, gumolong habang naglalakad, gumulong habang tumatakbo, kahit anong paggulong. Wala din itong cooldown pero kinakailangan ito ng ilang sandali para makumpleto.

Matagal ng na-master ni Ye Xiu ang dalawang skill na ito. At alam-alam niya din kung anong mga skill ang praktikal sa kanya sa yugto ngayon ng laro.

Ang una ay Sky Strike, isang Battle Mage na skill. Bawat class ay may ganitong uri ng knock-up na skill. Pare-parehas ang katangian ng mga ito. Pagkatapos umatake, maipapaangat ang target. Mas mataas na skill level, mas mataas silang maipapaangat at mas malaki ang bawas nito. Isa itong karaniwang ginagamit na skill. Dati ng Battle Mage si Ye Xiu, kaya pinili niya ang skill ng Battle Mage na Sky Strike.

Pagkatapos nito ay ang Dragon Tooth , isa nanamang skill ng Battle Mage. Isa itong direktang atake na magiging sanhi ng pagka-stun ng kalaban. Madali itong natutunan ni Ye Xiu dahil sa dati niyang class.

Pagkatapos nito ay pinag-aralan niya ang skill ng Sharpshooter na Floating Bullet, ang skill ng Mechanic na Machine Trace, skill ng Spellbalde na Wave Splitting Sword, ang Blade Master skill na Guard, ang skill ng Elementalist na Electric Ring, at ang skill ng Priest na Heal.

Hindi kinakailangan maraming skill points. Lahat ng ito ay hindi hihigit sa 20 na puntos. Level 7 palang si Lord Grim, kaya limitado palang ang upgrade na magagawa niya sa kanyang mga skill. Kaya sa huli, may natira pang mga puntos. Hindi na nag-aral ng iba pang mga skill. Para sa kanya, sapat na ang mga skill na mayroon siya para kasalukuyang sitwasyon.

Ngunit kung ang skill set na ito ay pinili ng mga peak-level na eksperto katulad niya ay nakita ng mga ordinaryong manlalaro, siguradong mapapatawa sila.