Ang mga araw na kung saan namumulot lamang ng mga tira-tira si Chen Yehui ay masyadong naging mahirap para sa kaniya.
Pero hindi sumuko si Chen Yehui, ipinagpatuloy niya ang kaniyang pamumulot kahit na mas mabuting pumunta na lamang siya sa ibang mga leveling area.
Wala na siyang nagawa pa kundi ang pagmasdan habang mas lumalaki ang agwat ng kaniyang Excellent Dynasty sa mga manlalarong nasa una, pangalawa, at pangatlong pwesto.
Ang mga manlalaro rin ng ibang mga guild ay dahan-dahang umaangat at hindi malayong malalamgan na sila. Nag-aalala naman talaga si Chen Yehui, pero ano ba ang magagawa niya?
Pero syempre, hindi pa nawawalan ng pag-asa si Chen Yehui. Isang tao lang naman kasi si Ye Qiu, wala namang ibang tao na maaring makagamit sa kaniyang Lord Grim sa mga sandaling magpapahinga na siya.