Ang tuktok ng orasan na tore ay mataas at hindi mo masyadong maaaninag kung ano ang mga nangyayari sa itaas kapag nakatingin ka mula sa ibaba. Ang tanging makikita mo lamang ay mga halos hindi maaninag na aninong gumagalaw sa ibabaw ng tuktok.
Noon ay kadalasang natatakot ang mga manlalaro sa kidlat na kadalasang kumukurap sa kalangitan at nagdadala ng mga malalakas na kulog. Pero ngayon ay nasasabik silang makakita ng kidlat dahil sa hinahayaan nitong makita nila ng maigi ang mga nangyayari sa tuktok ng tore.
"Nakaakyat na sila!" May isang manlalarong sumigaw, may naaninag siyang pigura na tumalon papunta sa tuktok ng orasan na tore.
"TARA, SUGOD!" Isinigaw ni Chen Guo ang utos.
Hindi pa siya sumusuko. Namalayan rin niya na may isang Christmas Thief na nakaakyat. At dahil sa marami-rami rin ang mga natipon niyang kasamahan dito ay kaagad niyang hinati silang lahat sa dalawang grupo.