Ang pakiramdam na sa mga sandaling naabot mo na ang kalangitan ay bigla kang bumagsak sa lupa ay isang pakiramdam na hindi madaling isalaysay. Pero ngayon, lubos na naiintindihan na ni Wind Following Sword ang pakiramdam na iyon.
Hindi naman sana masyadong masakit na makatakas si Lord Grim sa patibong na kanilang ginawa, pero ang talagang nagbigay kay Wind Following Sword ay ang ginawang pag-apak ni Lord Grim sa tiwala niya sa kaniyang sarili.
Lubos na kampante siya noong sinabi niya sa kaniyang Guild Leader na talagang mapaparusahan niya si Lord Grim. Pero ang ginawa niyang iyon ay kaagad rin naman gumuho sa harapan ng tao na dapat sana ay magdusa.
Nung una ay inakala niyang isang napakapambihirang bagay pala ang kaniyang nagawa, pero hindi pala.