Kahit na gustong-gusto talagang makatakas ni Wind Following Sword sa mga kamay ni Lord Grim ay hindi iyon mangyayari dahil siya ay kasalukuyang nasa hangin. Ang tanging narinig lang niya ay isang putok ng baril na naging sanhi kung bakit tumilapon siya sa gilid.
Sa mga sandali ring iyon ay ibinaling niya ang kaniyang kamera para ayusin, at bigla niyang namalayan na may halimaw sa direksyong kaniyang nililiparan.
Biglang napuno ng tuwa si Wind Following Sword. Kung tinamaan nga niya ang halimaw na iyon ay mabibilang ang kaniyang pagtama bilang isang atake na ginawa ni Lord Grim.
Syempre, ibabaling ng halimaw ang kaniyang tingin kay Lord Grim na magbibigay sa kaniya ng pagkakataon para makatakas! Talagang pinagpala siya ng kalangitan sa araw na ito!
Sa isang iglap lang ay narating na ng kaniyang karakter ang halimaw na iyon.