"Sino ka?!" Ibinaling ni Wind Following Sword ang kaniyang kamera para makita kung sino man ang nagsasalita.
"Isang laro lang naman 'to! Hindi naman nakakahiyang humingi ng tulong pag nahihirapan ka na, tingnan mo iyang kalaban mo, mas malakas pa nga siya sayo pero humihingi siya ng tulong, tunay na dapat kang matuto sa kaniya!"
Matagal nang alam ni Tang Rou kung sino ang nagsasalita, sinulyapan niya si Ye Xiu na kasalukuyang kinakausap siya, naririnig ni Tang Rou ang kaniyang boses sa labas at loob ng laro.
Bukod sa kanilang dalawa ay walang pakialam si Chen Guo sa kung ano man ang nangyayari sa kanila, tanging inilaan lang niya ang kaniyang pansin sa sarili niyang screen.
Pero ang seryosong pagmumukha ni Chen Guo na nakita ni Tang Rou ay naging dahilan kung bakit naintindihan ni Tang Rou ang lahat. Paniguradong nakita ni Chen Guo ang sitwasyon niya kanina kaya pinuntahan niya si Ye Xiu para humingi ng tulong.