Malinaw na hindi magagamit ng isang Level 31 na karakter ang isang Awakening Skill na para sa mga Level 50. Pero ang liwanag na bumabalot kay Soft Mist at ang biglaan niyang paglakas ay paniguradong dahil sa Battle Spirit.
Patuloy na pinapalakas ng Battle Spirit ang Battle Mage habang tumatagal ang labanan, ang Buff na inilalapat ng skill na ito ay naka-depende sa bilang ng mga sunod-sunod na atakeng nailalapat ng Battle Mage sa kaniyang kalaban.
Sa isang 10-hit Combo ay pinapataas ang Attack Speed ng 0.5, ang Movement Speed naman ay pinapataas ng 2% habang ang Strength Attribute ay pinapataas ng 30 na puntos.
Sa isang 20-hit Combo ay pinapataas ang Attack Speed ng 1.0, ang Movement Speed naman ay pinapataas ng 4% habang ang Strength Attribute ay pinapataas ng 50 na puntos.
Sa isang 30-hit Combo ay pinapataas ang Attack Speed ng 1.5, ang Movement Speed naman ay pinapataas ng 6% habang ang Strength Attribute ay pinapataas ng 70 na puntos.