Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 269 - Hindi Ganoon ka-Simple

Chapter 269 - Hindi Ganoon ka-Simple

Ang mga humigit-kumulang sampu o labing-dalawang residente ng Sin City ay tumayo't ibinaling ang kanilang mga mata kay Soft Mist. Silang lahat ay sumutsot at sabay-sabay na sumugod.

Si Wind Following Sword rin ay tumayo sa mga sandaling ito, sa ibabaw ng kaniyang ulo ay isang emoticon ng isang mala-demonyong mukha.

Lubhang nainis si Tang Rou sa manlalarong ito, sa mga sandaling ito ay masyadong siyang nagalit, kahit na nung tinambangan siya ng mga malalaking guilds ay hindi siya nakaramdam ng ganito katinding galit.

Wala siyang sinabing kahit na ano bilang tugon sa panghahamak ng kaniyang kalaban, tanging sinugod na lamang niya ang mga residenteng sumusugod sa kaniya. Gayunpaman, ang kaniyang Scarlet Moon Lance ay nakaturo sa kalmadong si Wind Following Sword.

Nagulat si Wind Following Sword sa inasta ni Tang Rou, pero pagkatapos makita ang mga nagkumpulang halimaw na sumusugod sa kaniya ay kaagad namang napawi ang kaniyang kaba.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS