"Hmmph!" Hindi masyadong mahilig makipagtagisan si Chen Guo kaysa kay Tang Rou. Ang tanging dahilan lang kung bakit nagkaroon siya ng interes sa manlalarong iyon ay dahil sa isang Launcher ang class na gamit niya.
Idagdag pa ang astig niyang pagpasok para tulungan si Tang Rou, iyan lang ang mga dahilan kung bakit naakit ang kaniyang atensyon ng manlalarong iyon at nagbiro siyang nagtanong tungkol sa sino sa kanilang dalawa ang mas malakas.
Pero dahil sa ipinakita ni Ye Xiu na siguradong-sigurado siya na mas malakas pa ang babaeng Launcher na iyon kaysa sa kaniya ay kaagad na sumama ang kaniyang pakiramdam. Kaya rin naman niyang gawin ang ginawa ng Launcher na iyon! Bakit naman mas magaling pa siya?
"Sa tingin ko ay susubukan ko ulit." Malinaw na ang kausap ni Tang Rou ay nasa loob ng laro.
Napadaan laman si Su Mucheng sa lugar nang makita niyang nasa bingit ng panganib si Tang Rou, naresolba na ang panganib pero nagpatuloy pa rin si Tang Rou.