Sa isang iglap ay dumating na ang liwanag ng umaga at iniunat ni Ye Xiu ang kaniyang mga kamay.
Sa mga oras na ito ay walang kahit na sino sa kaniyang grupo ang naglalaro pa.
Nauna sa pagtulog si Tang Rou. Matapos tapusin ng tatlong beses ang Desolate Land ay siya ang unang nagpahinga. Mula noong umalis para mamili sina Chen Guo at Tang Rou ay binago na niya ang oras ng kaniyang pagtulog.
Hindi na siya magdamag na naglalaro kagaya ng ginagawa ni Ye Xiu. Maaga na siyang natutulog, at maaga rin siyang nagigising kaysa kay Ye Xiu.
Sa mga sandaling nagising si Ye Xiu ay palagian niyang nakikita silang dalawa na nakaupo't naglalaro ng Glory hanggang sa sumapit ang alas tres ng hapon, dahil ang mga oras na iyon ay ang mga panahon na sasabak na muli sa trabaho si Tang Rou.