Ang planong iyon ang napasiyahang gamitin ng mga malalaking guilds, pagkatapos ay karamihan sa kanila ay pumunta sa Line Canyon.
Sa Line Canyon, madaling nahanap ni Ye Xiu sina Qiao Yifan at Tang Rou, pagkatapos matipon ang kaniyang mga kasamahan ay pumasok na silang lahat sa dungeon.
Ginustong matuklasan ng mga manlalaro mula sa malalaking guilds ang grupo ni Lord Grim, pero hindi iyon mangyayari sa mga sandaling ang grupo ni Lord Grim ay nasa loob ng dungeon.
Tanging sa paglabas lang nila o sa mga sandaling muli sila papasok ng dungeon magtatagpo ang kanilang mga landas.
Ngayon ay may bagong plano na ang mga malalaking guilds, minanmanan na lamang nila ang mga lagusan ng dungeon para mahanap si Lord Grim, at dahil sa wala namang nangyari sa buong magdamag ay tahimik na lumipas ang gabi para sa kanila.