"Sino ang baguhan?!" Pagalit na sumigaw si Chen Guo at sinapak ang kaniyang keyboard para labanang muli ang manlalarong tumalo sa kaniya.
"Kalma ka lang! Parang may ginawang kasalanan iyang keyboard sa iyo..." Napabulong sa sarili si Ye Xiu.
Dahil natalo na naman si Chen Guo ay nagalit siya at nainis. Gusto na niya sanang umalis pero dahil sa ayaw niyang matukso ni Ye Xiu ay kumapit siya sa patalim at nakipaglaban na naman.
Natapos na ni Tang Rou ang kaniyang trabaho at pagkatapos ayusin ang kaniyang sarili ay bumaba siya mula sa ikalawang palapag dala-dala ang bago niyang keyboard at mouse.
Gusto rin niyang subukan ang mga bagong bili niyang kagamitan nung bigla niyang nakita si Chen Guo na pagalit na tinatapik ang kaniyang keyboard.