Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 247 - Keyboard at Mouse

Chapter 247 - Keyboard at Mouse

At pormal na nagsimula ang kaguluhan.

Ang pitong mga malalaking guilds na ang unang pakay ay tugisin si Lord Grim ay kasalukuyang nakatuon ang pansin sa Fire Witch Cashew.

Ang mga manlalarong malapit sa BOSS ay inundayan ang BOSS ng atake, habang ang mga manlalarong nasa likuran nila ay naglalabanan para makakuha ng magandang pwesto para maatake ang BOSS.

Walang kahit na sino sa kanila ang may palatandaan ng isang guild, kaya walang nakakaalam kung saan guild galing ang manlalarong nasa tabi nila.

Dahil dito ay walang kahit na sino sa kanila ang nag-abalang siguraduhin na kasamahan nila sa guild ang nasa tabi nila. Ang tanging ginawa lang nila ay atakihin kung sino ang pinakamalapit!

Isang pangkaraniwang pangyayari naman ang makakita ka ng mga manlalarong nagnanakaw ng BOSS mula sa ibang mga manlalaro, pero ang ganitong klase ng kaguluhan habang nagnanakaw ay isang pambihirang pangyayari.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS