Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 246 - Mukhang Hindi na Natin Kailangan Pa

Chapter 246 - Mukhang Hindi na Natin Kailangan Pa

Biglang namutla ang pagmumukha ng mga manlalaro mula sa Guild Parade. Saan nanggaling ang mga manlalarong ito? Bakit sobrang dami nila?

Nagpatuloy sa kanilang pakikipaglaban sa Fire Witch Cashew ang walong manlalaro, pero may ilan sa kanilang naglaan ng atensyon sa mga manlalarong kakarating lamang. Walang kahit na sino sa mga manlalarong dumating ang mayroong guild.

Pero bukod na sa mga malalaking guild, sino pa ba ang may kakayahang magtipon ng ganito karaming manlalaro sa isang lugar? Lumitaw ang katanungang ito sa isipan nila, ngunit mabilis rin naman silang nakahanap ng sagot.

Paniguradong silang lahat ang mga manlalarong inatasan para tugisin si Lord Grim.

Dahil sa kung ang dami ng mga manlalaro ang pag-uusapan ay nakakalamang ang mga kakarating lang na mga manlalaro mula sa mga malalaking guilds, kaagada nakaramdam ng pait ang mga manlalaro ng Guild Parade.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS