Pagkatapos lisanin ang dining hall ay bumalik sa kaniyang lugar na pinagtratrabahuan sa Club si Jiang You at kaagad na kinontak si Cold Night, para makahingi ng Level 33 na account na agad-agad niyang magagamit.
Lahat ng mga reserve account cards para sa ika-sampung server ay nasa mga kamay ni Cold Night, pero hindi nakatira si Cold Night sa siyudad na kung nasaan ang Club ng Tyranny.
Malinaw na hindi magiging madali ang pagbigay niya sa mga cards, kagaya nung kinuha ni Jiang You at ang Strike na kasamahan nila ang kanilang mga account cards para sa ika-sampung server.
"Cleric? Pwede na ba ang account ni Endless Night?" Si Endless Night ay nasa parehong siyudad kung nasaan ang Club ng Tyranny. Pero dahil sa mayroong kani-kanilang account ang bawat magagaling nilang Clerics, parang hindi mainam na ibigay nalang niya basta-basta sa kahit na sinong manlalaro ang mga account card nila.